Jun
18
Filed Under (People) by zetta-bytes on 18-06-2007

3 am na…

naagahan 2loy paggawa q ng assignment…

tulog pa sana q ngaun eh!

sana diba???

———————————————————————————–

kla q qng anu na un, nagulat aq, bigla qng tinanggal ung earphone q sa kaliwa… bigla aq nagicng…

binomba na naman ang bahay… but not literally!

nag-away na naman cna mama, rb at papa…

pro nguan tlga nagcng aq!

basta… tagal nilang matapos, 30 mins na nakalipas sumisigaw parin kapatid q…

nababaliw na tlga yon… literally!!

tatawa, umiiyak, susuntukin sarili nya, ewan ko ba!

punta na daw xa sa hell magpapakamatay na dw xa…!

gus2 q svhn " tanga ka ba?? kala mo nakakatuwa?? eh kung palit nalang kayo ni mama! maramdaman mu sana nararamdaman niya! kala mo naakatuwa?? kala mo di makkakarating to?? -parang nikel lang ah!-"

ewan! gus2 q xang suntukin…

bahala na! gumawa nalang ako ng assignment…

c papa d2 na na2log sa baba…

lam q d xa mka2log dun…

cnu ba mkaka2log dun???

langya yan!

inaantok na ko!!!!!

may pasok pa bukas!!!!

3:15 am

Jun
10
Filed Under (Uncategorized) by zetta-bytes on 10-06-2007

Chapter X: Separated!

palapit na ng palapit ang pinakaimportanteng okasyon sa buong galaksiya… sa bawat taon ay ginaganap ang okasyong ito, at tumatagal ng 10 buwan… ang iba ay sinisimulan ang okasyong ito ng hunyo, at ang iba ay sinisimulan ng setyembre… sa lugar ng mga anghela, demonya, at mga tao, sinisimulan ito ng hunyo.. dahil dito, kinailangang igrupo ang mga tao, demonya at miski ang mga anghela. pwede silang maghalo at walang sinuman ang pwedeng magreklamo.

nalaman nalang ng lahat ang mga kasamahan nila nang mismong araw ng okasyong ito.
nahati ang mga sangkatauhan sa apat. itinawag ang unang pangkat na ALPHA, ang ikalawa na BRAVO, ang ikatlo na CHARLIE, at ang huli na DELTA. kung dati ay hinati-hati ang mga tao sa kanilang kagalingan ay ngayon ay pinaghalo halo na. pero sa pangkat alpha ay talagang pinagsama ang ilan sa mga pinakamagagaling na mga tao, demonya at anghela. ilan sa mga kilala natin na kasama sa pangkat ng alpha ay ang ispiya ng mga demonya…

sa ikalawang pangkat naman, ang bravo, nagsama-sama ang mga katauhan. ang sekondaryang primo ng mundo ay kabilang dito, kasama ang kanyang mga tauhan. nahalo rin sa kanila ang mga sirena, at iba pang nilalang sa galaksiya. nakasama rin dito ang bagong primo ng mga anghela.

sa ikatlong pangkat naman, ang charlie, nagsama-sama ang dating primo ng mga demonya, ang bagong primo ng demonya, ang dating primo ng mga anghela, at ang primo ng mundo. nahiwalay ang bagong primo ng anghela sa kanyang kasintahan -nasa ikatlong pangkat ang kanyang kasintahan- pero ipinagtibay parin ng panahon ang bagong primo ng demonya at ang kanyang KSA… kabilang rin dito sa pangkat na ito ang iba pang mga nilalang sa mundo…

sa ikaapat na pangkat, ang delta, ay binubuo rin ng iba pang mga katauhan, at ang iba rin ay siyang mga nahiwalay sa kanilang pinuno.

pero kahit na ang iba ay napaghiwalay at ang iba ay ipinagtibay ng tadhana, hindi parin natatapos ang gyera…

magkaaway parin ang dating primo ng demonya at ang panig ng mga anghela. tila wala paring nagagawa ang sinuman kahit na ang bagong pinuno ng demonya para pagbatiin ang dalawang panig. sa pagtagal ng panahon, nagkakaroon na naman ng bagong problema, at hindi man lang nalalaman ng dating primo ng demonya na ito’y lumalaki na…

ang bagong primo ng demonya, ang primo ng mundo, at ang KSA ay palaging magkasama, at dahil nga dito, ay nagsabi ng problema ang primo ng mundo… unti-nti na raw naiilang ang primo ng mundo sa dating primo ng demona. dahil nga kapag nandyan ang dating primo ng mga demonya ay hindi makalapit ang iba pa niyang mga kaibigan. ganyan rin ang nararamdaman ng bagong primo ng demonya at noon pa niya yon nararamdaman. bago pa nagkaroon ng gyera.

may kumalat ring chismis na baka gumawa na ng "Declaration Of Peace" ang bagong pinuno ng anghela pero sa tingin ng iba ay malabo mangyari yon.

maliban pa sa problema ng primo ng mundo ay hindi pa nagpaparamdam ng pagsisiklab ang dalawang panig. pero hindi nalang natin alam na kung ano na pala ang binabalak ng dalawang panig.

-i22loy-