Mar
31
Filed Under (Uncategorized) by zetta-bytes on 31-03-2007

Chapter VIII: Sandwich

-pag22loy-

mdmi nang nangyari pagkatapos ng pagbabati… at cnu bng nkakaalam na pagkatapos ng bagbabati ay tila panibagong istorya na naman ang maitatala…

bati na ang BPA at BPD… pero ang alitan ng dalawang panig ay di pa nagtatapos… ang DPD at ang panig ng mga anghela ay hndi pa nagkakaayos…

nang malaman ng DPD na nag kaayos na ang BPA at BPD ay naisip nito na tumiwalag na sa mga demonya… dahil sa kaalaman niya na ndi na ito magkakaayos pa ay ang ideyolohiyang pinaniniwalaan niya ay itinuloy nya… at dahil sa maptitiwalag niya ay nagkagulo ang mundo ng mga demonya…

bati na nga ang BPD at BPA pro ang pagtingin parin ng dalawa ay tila iba na… na tila ndi n gaya ng dati. may mga araw na nagsasama na ang dalawa pero ndi parin cla ngpapancnan ng talagang usapan. magksama lang cla…

habang magkakasama cla ay naiiwan ang DPD sa lugar kung saan punong puno ng kalungkutan at luha… ang lugar na ito ay tinawag na cave of grief. itong lugar na ito ay dinadayuhan ng mga nilalang na may mabigat na dinadala sa kanilang likuran at doon sila nagpapalipas-oras para makapag-isip, ilabas ang galit at lungkot, at kung anu-ano pa. dahil sa ito ay isang kweba na tila mahirap hanapin ay dito ka pwede mag-moony2…

dahil sa pagtiwalag ng DPD sa panig ng mga demonya ay naguluhan ang isipan ng BPD… dahil sa mga pangyayari ay nabuo niya ang Law of theories na nagsasabing:

"sa panahon na ito, pag nakisama ka sa isa, may magagalit… pag sumama ka sa kabila, may malulungkot, ngayon, san ka sasama? kumbaga sa ham sandwich, ikaw ung ham at sila ung bread…"

naganap ang World War 5.3 ng di inaasahan… pero kakaiba ang gyerang ito… ito ay ang alitan ng DPD at ng panig ng mga anghela… itong gyerang ito ay ang pinakakakaibang gyera dahil dito naganap ang pagsasabog ng mga bomba ng mga anghela sa DPD pero hindi lumaban ang DPD… kahit na pinasasabugan na ang DPD ng mga malamasalik at madudugong bomba na tila pag pinasabugan ka ay mapapaluha ka ng dugo at kalungkutan ay hindi parin siya lumaban… dumami ang dumayong mga taga-ulat para ikwento ang mga nangyari… dahil sa pangyayaring ito, dumami ang nakasaksi ng pagluluha ng puso ng DPD… at isa na ang BPD sa mga nakasaksi dito… madami ang naawa sa DPD dahil sa mga ginawa ng mga anghela… dahil dito, kahit na bati na ang BPD at mga anghela ay nagkaroon parin siya ng sama ng loob sa mga anghela ng ndi nila nalalaman, na kahit ang DPD ay hindi alam na may sama na rin pala ang BPD sa mga anghela…

natapos ang labanan ng parang wala na namang nangyari… pero ang mga sugat ng DPD ay hindi na humilom…

nagkaroon ng isang pagsusulit sa mundo at lahat ay kailangang lumahok… ang pagsusulit na ito ay para sa lahat na kung saan titingnan ng mga diyos at diyosa kung anu-ano na ang mga ideyolohiyang naipon sa mga utak nila. tila tumagal ng humigit-kumulang ng isang linggo ang pagsusulit na ito… ganoon din katagal nahiwalay ang mga nag-away sa isa’t isa… ang DPD ay nag-iisa sa kweba, ang BPD ay kasama ang kanyang KSA, at ang BPA at ang kanyang panig…

dahil sa bagong posisyon ng BPD ay nagkaroon siya ng pagkakataong tingnan ang sitwasyon niya ng ibang pagtingin… nakita niya ang panig ng mga anghela ng parang siya ang nanunuod ng gyera at nakita rin niya ang DPD ng ganoon ding paraan… nadagdagan ang Law of Theories:

"walang napapala ang mga madadamot"

napatunayan niya ito noong napalayo ang BPD sa DPD at sa mga anghela…

dahil nga kaibigan din ng BPA ang PM at kaibigan din ng PM ang DPD ay tila parang naging isa ang PM sa mga "ham" na iniipit hanggang sa hindi na niya makayanan ito…

dahil hindi na maintindihang ng BPA kung kanino ba talaga papanig ang PM at BPD ay nagtampo siya sa kanila… palaging nagtatanong kung ano ba tlga ang problema nila ng dalawa… kung bakit kahit bati na sila ay hindi parin sila nagsasama… kung bakit sa mga nilalang na tao nalang sumasama ang dalawa…

ito naman ang nakikita ng BPD:

kapag sumasama ang PM sa BPA ay tila parang tinataboy niya ito, na sinasabi na "sino ka ba?" nagtatampo siya na bakit hindi na sumasama ang PM sa kanya pero pag sumasama na sa kanya eh ganun ganun nalang niya tratuhin na parang tinataboy talaga niya ang PM… tapos ang dahilan pa ng pagtatampo niya eh sa iba na daw sumasama ang PM hindi na sa kanya, anu ba gusto niya sa kanya LANG sumama? andamot naman niya sa kaibigan… tapos ganoon niya tratuhin mga taong lumalapit sa kanya…

yaon ang naging ideolohiya ng  BPD…

nagalit ang  ispiya ng mga demonya sa BPD… dahil sa pagkaayaw din niya sa mga anghela ay nagalit siya sa BPD dahil minsa’y nakikita niya na magkasama ang BPD at mga anghela… pero nang malanam ng ispiya ng mga demonya na may sama ng loob din ang BPD at ang mga anghela, lalo na ang DPA, ang siyang nagkukusang lumalapit sa kanila, at hindi ang BPD, ay pinatawad niya ito…

nagbigay ng isang liham ang BPD sa DPD, sa ispiya ng mga demonya, sa PM at sa kanyang KSA… na nagpapaliwanag ng kanyang mga nararamdaman sa kanilang lahat… para sa DPD, humingi siya ng paxenxa dahil sa nawala siya sa tabi ng DPD at iniwan niyang nag-iisa ito… para sa ispiya ng mga demonya, humingi din siya ng paxenxa sa dahilan nga ng pagkagalit niya, sa PM naman ay tinala niya na hindi niya ito iiwan at hindi niya gagayahin ang BPA na ganoon ang turing sa kanya… at dahil noong araw na iyon ay montsaryo ng magkasintahang BPD at KSA ay tinala naman ng BPD sa liham ng KSA na mahal na mahal niya ito at nagpapasalamat siya dahil nandoon ang KSA sa tabi niya nung kailangang kailangan niya ito…

ngayong magtatapos na ang taon ay temporaryang maghihiwalay ang lahat ng landas… anu na kaya ang susunod na mga pangyayari? ito na ba ang pagtatapos ng World war 5?

-i22loy-

Mar
08
Filed Under (Uncategorized) by zetta-bytes on 08-03-2007

Chapter VII: Together Again… not?

March 8, 2007

nagkaroon ng isang himala sa mundo. isang himala na di aakalaing mangyayari. pero kapalit ng himalang ito ay isang di inaasahang disgrasya sa history ng world war 5…

march 7, 2007

oras na para kumain ang lahat. nabiyayaan ang lahat ng masasarap na pagkaing galing sa caf’ eter’ ia. pagkatapos kumain ang BPD ay hinatak siya papunta sa di inaasahang mapupuntahan niyang lugar. doon ay naroon ang BPA, DPA, ang kasintahan ng BPA, ang PM at ang KSA ng BPD. doon ay naganap ang tila nobelang pag-uusap. hindi makapagsalita ang dalawang panig. sa tagal nila doon ay nahuli sila ng Kataastaasan. dahil ang lugar na iton ay mahiwaga ay ipinagbabawal ang lahat na pumunta doon. kaya naman ganoon nalang ang paghuhuli sa kanila ng Kataastaasan. muntik na silang parusahan ng Kataastaasan pero mabuti nalang ay nadaan sa mabuting usapan ang lahat.

balik sa march 8…

nalaman ng DPD na magkabati na ang lahat pwera nalang sa kanya. at dahil doon ay nagdesisyon siyang lumayo na sa kanila. naganap ang malakihang gulo sa mundo noon. dahil sa paglayo ng DPD ay nagdesisyon din ang DPA na lumayo na rin dahil sa inis niya sa DPD. pero ang natira na doon ay ang BPD. at hindi siya masaya sa desisyon nilang ito. naramdaman niya na parang lahat nalang ng mga tao na malapit sa kanya ay lumalayo na. tila ang KSA nalang ang natirang nagpapasaya sa buhay niya. tila ramdam niya ang bigat ng mundo na nakapasan sa likod niya.

-i22loy-