words flowing from out of the blue…
Chapter VI: Valentines Day
matagal din na panahon ang nakalipas nang tumigil ang gyera ng dalawang panig. pero hindi parin tumigil ang pag-kulo ng dugo ng panig ng mga demonya sa mga anghela lanong lalo na ang DPD.
palapit na ang araw ng mga puso. at siyempre, pag nasa ika-3 ka nang antas ay pwede ka nang sumali sa programang "Sayaw ng mga Puso". ang programang ito ay sadyang ipinagdiriwang ang panahon ng mga pusong umiibig. siyempre, araw na rin ito ng mga magkasintahan. lahat ng mga nasa ika-3 at ika-4 na antas ay kasali, may ka-puso man o wala, lahat imbitado. at kung lahat imbitado, ang mga mamamayan, anghela at demonya ay pwede ring dumalo.
bago ang selebrasyong ito ay may mga pinipili muna na mga tauhan na sasayawin ang tradisyonal na sayaw. at ang mga kasali: ang BPD, DPD, BPA at ang kasintahan niya, ang SPM at ang Dakila. itong sayaw na ito ay kinakailangan ng mga matataas na mga sapatos, mahahabang saya, mga kumikintab na saplot at kakaibang stayl ng buhok. kaya naman kung kasali ka dito sa sayaw na ito ay tila doble ang preperasyon mo.
noong una ay tama lang ang pagdaloy ng ilog. pero nang patagal na ng patagal ay dumadaloy na ang ilog na ito sa mga malalaking bato na tila naging dahilan ng pagkasira ng marahan na pag-agos nito.
isang araw ay nakarating nalang bigla sa DPD at BPD na may inirereklamo na naman ang BPA sa Dakilang Pusa (DP). ang pagreklamo niya ang naging sanhi ng pagkainit ng isang Jester na nasa ika-4 na antas na. nang umabot sa amin ang balita ay dali-dalian naman kaming yumakap ng mga detalye tungkol doon. at nalaman namin ang tunay na nangyari. dahil sa pagiging experto ng BPA sa pag-aarte ay ito rin ang naging sanhi ng problema na mabilis na kumalat sa sambayanan.
i22loy-
Chapter V: World War 5.2
nagsimula ang araw nang wala namang kakaibang nangyayari. walang mga kahit anong mga pagtatalo sa pagitan ng dalawang panig noon hanggang sa sumapit ang ika-1 ng hapon nung araw na iyon. sa kasamaang palad, itinuloy ng Hari ang "Open Forum". kung kaya nama’y nagkaroon ng pagkakataon ang BPD na magsalita sa ngalan ng panig ng mga demonya.
nung una ay hindi tinangkang maghulog ng pangalan ang BPD dahil hindi naman niya tangkang palakihin ang problema. pero dahil sa ang BPA na mismo ang nagpahalatang siya nga ang tinutukoy ng BPD ay sinabi na rin niya kung sino ang kanilang katunggali. sinabi na ng BPD lahat ng mga gusto niyang iparating sa panig ng mga anghela. nagkaroon ng maliit na pagpalitan ng mga mararahas na salita na tila naging armas na ginamit ng dalawang panig upang maglaban. ang phenomenang ito ay tinawag na World War 5.2. sa loob din ng labanang ito ay nangyari ang di inaasahan. habang nagsasalita ang BPD ay nagpupumilit na magsalita at kontrahin ng BPA ang BPD. pero hindi naman nagpatalo ang BPD at tuwing nagsasalita at kumokontra ang BPA ay pinapatigil naman siya ng BPD. hindi naman siya makapagsalita tuwing pinapatigil siya ng BPD. kasabay ng pangyayaring ito ang pagsasalita ng DPA (Dating Primo ng mga Anghela) at ng DPD (Dating Primo Ng mga Demonya) na parehong pinoprotektahan ang kanilang "Base".
pagkatapos ng isang madugo at mahabang oras na parang isang dekada na ang lumipas ay nahinto na rin ang labanan. tila naging mapayapa ang kapaligiran at parang walang nangyaring pagtatalo.
ika-6 ng Pebrero, 2007
kahit na magkaaway ang dalawang panig ay di hamak na may mga pagkakapareho parin sila ng interes: ang pagsubaybay ng eksena ng Magkasintahang dugong bughaw. tila mahiwaga talaga ang pagmamahalan nilang dalawa, at dahil doon ay napasagot ng prinsipe ang kanyang minamahal na prinsesa.
dahil naman sa mga katagang sinabi ng BPD na, " ok lang na di na magbati basta ba wala nang siraan, parinigan at mga kung anu-ano pa, ok lang sige…" ay tila nanatiling tahimik ang kapaligiran ng medyo mahabang panahon din.
-i22loy-
Chapter IV: Knight-In-Shining-Armor’s Big Mistake
pagkatapos ng mga pangyayari ay hindi na tumigil ang pagdarating ng mga hindi kaaya-ayang mga pangyayari sa mga panig ng mga demonya. dahil sa mga pangyayari ay dumating din ang di inaasahang mga pangyayari…
ika-unang araw ng Pebrero, 2007, Huwebes…
masaya ang dating ng araw sa magkabilang panig. wala namang mga kakaibang nangyari pagkatapos ng huling insidente. pero, mananatili pa rin bang ganito katahimik sa darating na mga minuto at oras?
ang oras noon ay ala-una ng hapon, sakto…
oras na para sa pagsusulat ng siyensya. oras na rin para sa pagdating ng Hari. bago nagsimula ang ikalawang parte ay nagbigay muna ang Hari ng konting mga matalinhagang mga salita sa lahat ng umatend sa miting. pagkatapos nito ay itinuloy ang ikalawang parte ng "Bukas ang pang-apat na kwarto" (open forum). sa pagpapatuloy nito, nagkaroon ng pagkakataon na makapagsalita ang bagong primo ng mga anghela. at sa kasamaang palad, binuksan na niya ang topic na tungkol nga sa problema naming iyon. tila isang umuusok na takure ang naging pakiramdam ng bagong primo ng demonya. pero tinulungan ng primo ng mundo, ng dating primo ng mga demonya at ang knight-in-shining-armor ng BPD na maghulos-dili muna. mabuti at hindi pa nakakapagsalita ang BPD. lahat ng mga sasabihin ng BPD ay tila nasa kokote na niya, pero dahil sa kinulangan ng oras ay hindi na nakapag-antay ang sumunod na pangyayari. hindi na rin nakapagsalita ang BPD pero nasa isip niya ay may susunod pa namang mga pagkakataon. pagkatapos noon, dumating ang Reyna na kapag nakita mo siya ay hanep model! kinailangan mag-ulat ng KSA sa Reyna pero bago siya nakapag-ulat ay napigyan pa ng pagkakataon ang BPD na ikwento ang bago niyang nobela sa KSA niya na tungkol nga sa mga pangyayari.
natapos ang araw nang ang mga magkakasama na lamang ay ang bagong primo ng mga demonya, ang dating primo ng demonya, ang KSA, ang primo ng mundo, ang primo ng mga "veila" (PV)(veila-mga babaeng kagandahan) at ang kapatid niyang isang veila din. kasama din ng PV ang primo ng mga "veilo" (PV)(veilo-mga lalakeng kagwapuhan) na kanya ring kasintahan. bago makaalis sa mundo ay nangyari ang di-inaasahang pangyayari. sa pagkakataong ito, hayaan naing magsalita ang bagong primo ng mga demonya:
"ganito kasi yon. katabi ko siya (KSA). sinabi ko sa kanya ang panggigigil ko sa bagong primo ng mga anghela habang hinihintay ang iba pa naming mga kasamahan. nang sila’y dumating, dumaan din ang bagong primo ng mga anghela kasama ang dati nilang primo at ang kasintahan ng bagong primo ng mga anghela. sa hindi inaasahang pagkakataon, tinawag ng KSA ko ang bagong PA ng unang beses. hinampas ko siya ng unang beses. dahil siguro hindi pinapansin ng bagong PA ang KSA ko ay tinawag niya ulit ito at hinampas ko ulit siya. sa kasamaang palad, naulit ito sa pangatlong pagkakataon at sa pangkakataong ito, siguro ay tumingin na ang bagong PA sa kanya. narindi talaga yung kaliwa kong tenga nang marinig ko yaong mga salitang iyon na sinabi ng KSA ko sa bagong PA."
tila nanggigil na naman ang bagong PD at simula non ay hindi siya nakapagsalita. oras na ng paglalakbay patungo sa bagong kaharian ng mga demonya at hindi parin nagsasalita ang bagong PD. habang naglalakbay ay humingi ng tawad ang KSA sa kanyang kasintahan dahil sa kanyang ginawa. noong una ay hindi pa alam ng lahat kung bakit siya nagalit pero nung huli ay naliwanagan na rin sila. pagdating sa kaharian ng mga demonya ay nagsalita ang mahabang pag-uusap sa pagitan ng bagong PD at ang kanyang KSA. hinatian ng primo ang kanyang minamahal ng mga luha na may laman na galit, panggigigil, selos at pagmamahal. siya ring nagbigay ng kanyang hati ang kanyang kasintahan ng luha na may laman na pagsisisi, pagmamakaawa, at pagmamahal. di nagtagal ay huminahon na sa pag-iyak ang dalawa at siya’y nagbati. bago natapos ang lahat, nagkwentuhan muna sila tungkol sa mga pangyayari ngayon. sabi ng KSA ay di niya akalaing magkakaroon ng paghinala ang kanyang mahal sa bagong PA. sinabi naman ng KSA na huwag na siyang mag-isip ng ganon dahil siya lang naman ang tangi niyang mahal. ganon din ang primo.
natapos ang araw nang yakapin ng KSA ang kanyang minamahal. pagkasandal ng ulo ng bagong PD sa balikat ng kanyang minamahal ay naamoy niya ang mala-heaven na scent ng kanyang mahal na tuwing inaamoy niya ito ay naaalala niya ang kanyang mahal. binigyan ng KSA ang kanyang kasintahan ng isang mala-heaven na halik na tila hindi nila pareho malilimutan.
pero kahit na kumbinsihin ng KSA ang bagong PD na huwag nang isipin yoon ay hindi parin niya makumbinsi ito. dahil hanggang hindi pa natatapos ang war na ito ay habangbuhay pa rin ito tatatak sa utak niya.
-i22loy-